PLANO PARA SA AKING KINABUKASAN

Ako si Camille Mateo, 15 taong gulang at isang Grade 10 student ng Bagbaguin National High School.

1. Ano ang mga ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?�

Edukasyon:�Pagkatapos kong makapagtapos ng Kolehiyo ay gusto kong maging isang doktor ng mga buntis at gusto ko ring matulungan ang mga magulang ko.�

Kasal:�Gusto kong maikasal kapag ako ay nasa 35 taong gulang na. Nais ko munang tapusin ang pagdodoktor ko, natupad ko na ang mga pangarap ko at gawin lahat ng gusto ko bago ako ikasal.�

Anak:��Kung ako ay magkaka-anak ay gusto ko ng dalawang lalaki at isang bunsong babae, dalawang lalaki upang maipagtatanggol nila ang nakababata nilang kapatid na babae.

Libangan:��Ang libangan ko ay ang pag pagbabasa ng libro tungkol sa siyensya, kasaysayan, mitolohiya, at kwento ng pag-ibig.�

Pagreretiro:�Magreretiro ako kapag ako ay may sarili ng Coffee shop, may naipon na ako at nasa maayos na kalagayan na ang pamumuhay ng aking pamilya.�

2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto / layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?��Sa palagay ko ay sa edad na 30 ay isa na akong doktor at tinutupad ko na ang mga pangarap ko.�

3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto / layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

Sa tingin ko ay ako ay nakapag-asawa na at may sarili na akong pamilya.�

4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga kayunin ay makamito maisakatuparan?

Mag-aaral ako ng mabuti at tama lamang ang aking gagawin dahil bawat maling magawa ko ay maaaring makaapekto sa kinabukasan ko.�

5.Ano kayang pagbabago ang maaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?

Ang tanging magbabago lamang sa aking plano ay ang oras at panahon, maaaring ako ay mabuntis o maging isang batang ina ngunit matapos nito ay ipagpapatuloy ko padin ang aking pag-aaral upang makamit ko ang aking mga pangarap.�

6.Essay�Sa panahon ngayon ay maraming mga kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis nang dahil sa social media, at upang maiwasab kong mapabilang sa mga iyon ay ang bawat desisyon at hakbang na aking gagawin sa pagkamit ng aking mga pangarap ay pipilitin kong tama lamang dahil sa bawat maling magagawa ko ay maaaring mabago ang panahon at oras bago ko makamit ang aking mga pangarap ngunit maaari ring ang kinabukasan ko na mismo ang magbago.

Plano para sa Kinabukasan

Ako po si marelyn Bustamante 16 taong gulang at pinaplano ang aking kinabukasan .

A.edukasyon

Gusto kong makapagtapos upang makatulong saking mga magulang ko at matupad ko ang aking pangarap na flight attendant.

B.kasal

Plano kong magpakasal sa edad na 27 pagkatapos nako at pag nakakatulong na ko saking mga magulang .at gusto ko pag katangian ng aking magiging asawa ay mabait,makadyos,may magandang trabaho,maalaga,at malinis sa katawan.

C.Anak

Amg gusto pag kinasal ako ang magiging anak namin ay triplets isang babae at dalawang lalaki at ang mga ipapangalan ko sa kanila ay maxwrll,maxpein ,maxrill kasi mahilig akong magbasa ng wattpad.

D.Libangan

Gusto ko talagang nag mi-makeup kasi hilig ko talagang ito mahig din akong manood ng mga makeup tutorial kasi gustong gusto ko nag mi makeup kahit sa sarili ko at dito ako masaya.

E.Pagriritiro

Magriretiro ako sa edad na 55 kasi sa propesyong cavin crew o kaya flight attendant at makakapag tapos naman ang aking mga anak at makakatulong narin sila samin ng daddy nila .

2.

Siguro nakapag tapos na ako ng pag aaral at nakamit ko na yung gusto kong trabaho at ikasal nako sa lalaking makakasama ko hanggang sa pag tanda at nakatulong ako sa mga magulang ko.

3.

Siguro sa edad na 40 ay may anak nako at pinapag aral ko pa sila sa magandang eskwelahan at nag tatrabaho ang aking asawa at ako at nabibigysn nami. Sila ng magandang buhay para sakanilang kinabukasan.

4.

Sa tingin ko kailangan kong magaral ng mabuti upang makamit ko ang mga mithiin at gagawin kong inspirasyon ang aking mga magulang ko sapagkat ginagawa nila ang lahat upang makapag tapos ako at makamit ko lahat ng aking pangarap sa buhay.

5.

Ang gagawin ko po ay ipagpapatuloy ko ang aking pagbubuntis at gagawin ko syang inspirasyon sa buhay upang magpatuloy sa buhay at wag susuko sa buhay at tatapusin ko padin ang aking pagaaral upang mabigyan ko sa sya ng mas magandang buhay.

6.

Kailangan ko talagang makapag tapos at gustong gusto kong makatulong sa magulang ko di lamg para sakanila kong di para rin saking sarili at makahanap ng magandang trabaho.

My future

Ako si Johaira Abdul fatah ako’y 17 yrs old at nagaaral sa Bagbaguin national high school nais kung maging isng doctor sa hinaharap mahirap ang maging isang doctor ngunit may kasabihan nga na pag may tyaga may nilaga.Magsisikap ako para sa aking pamilya at para saakin upang ang lahat ng aking mithiin ay aking maabot o makamtan.

Ako’y may kapatid na isa sya ay si Norhidaya abdul fatah at ang aking mga magulang

1.

A.Edukasyon

Nais kung makapagtapos ng pagaaral upang matulungan ko ang pamilya ko ata masuklian ko ang paghihirap na ginawa nila saakin at upang maabot ko ang lahat ng aking mga pangarap.

B.Kasal

Nais kung maikasal sa edad na 28 pagkat sa edad na yan tapos na ako sa pagaaral at mayroon na akong permanenteng tarabaho at ang nais kung mapangasawa ay maalaga,mapagmahal,simple at maykaya sa buhay.

C.Anak

Gustong kung magkaanak ng dalawa isang babae at isang lalaki ang gusto ko ay mas matanda ang lalaki para maipagtanggol nya ang kapatid nya at nasi ko din na makapagtapos ng pagaaral ang magiging mga anak ko. Aalgaan,pprotektahan sa lahat at mamahalin.

D.Libangan

Ang libangan ko ay magluto at magbasa. magluto ng ibat ibng putahe para sa pamilya ko at pangarap ko din na magkaroon ng sariling restaurant upang aking magamit ang aking hilig sa pagluluto sa aking kinabukasan at magbasa ng ibat ibang uri ng libro upang malaman ko ang mg bagay bagay dito sa mundo may mga oras na wattpad books ang hawak ko o di kaya naman ay mga libro tungkol sa mga bagay na diko pa alam at higit sa lahat ay ang pagbabasa ng biblya namin (QUR-AN).

E.Pagreretiro

Nais kung sa gulang 60 ay makapagresign na ako sa trabaho upang magpagpahinga sa buhay kagaya ng pamamasyal at makasama ang pamilya ko sa araw at gabi.

F.Iba pang aspekto ng buhay

Mahalin at alagaan ang pamilya at maabot lahat ng pangarap.

2.sa edad na 30 ano sa tingin mo ang nakamit mona?

-sa edad na 30 ako’y may pamilya na at may negosyo at may anak na isang lalaki at maligayang namumuhay kasama ang pamilya ko na binuo ko.

3.sa edad na 40 ano sa tinngin mo ang nakamit mo?

-edad na 40 ako’y may dalawang anak na babae at lalaki at pinagaaral kona sila at ang mga magulng ko ay nasususportahan kona at ang pamilya ko. At masayang nabubuhay sa daigdig.

4.Sa buhay ngayon ,ano ang pwede mong gawin upang makatiyak na ang iyong layunin ay makakamit mo o maiisakatuparan?

-Magaral ng mabuti,magsipag,magtiyaga at magpakabait sa lahat at mahalin ang mga magulang.

5.Ano kaya ang pwedeng mangyari sa mga plano mo sa buhay kung sakaling ikaw at mabuntis?maging batang ina o ama?

-Kung sakaling akoy mabuntis nng maaga ang mangyayari sa mga plano ko ay maaring matupad at hindi maaring di ako makapgtapos ng pagaaral at matupad ang aking mga pangarap.

6. Magsulat ng essay tungkol sa isa sa mga tanong sa taas. Iugnay tungkol sa buhay.

Ang gagawan ko ng essay ay ang number 5

-kung sakaling mabuntis ako ay maaring di ako makapagtapos at lahat lahat ng plano ko sa buhay ay mawala o diko maipagpatuloy at maging pariwara akong ina sa magiging anak ko.

Plano para sa Kinabukasan

Ako po si Christina Azures labing pitong taong gulang Grade 10 student at inaalala ang aking kinabukasan.

Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa susunod na aspekto ng buhay.

A. EDUKASYON

Gusto kong makapag tapos ng pag aaral di lamang para matupad ang aking mga pangarap kundi para din po magantihan sila mamshie at papshie sa mga sakripisyong ibinigay nila samin ni ate makapag tapos lang kami.
Gusto ko pong ako naman ang mag silbi sa kanilang dalawa kagaya ng pag silbi at gabay nila sa akin.

B. KASAL

Ang pag papakasal po ay wala pa sa aking isipan ngunit kung ako’y iyong tatanungin gusto ko pong mag pakasal kapag nagawa o nakamit ko na ang aking pangarap

C. ANAK

Tatlong lalaki at isang babae

Para pag may nangloko o nang away sa nag iisang prinsesa tatlo ang reresbak charot HAHAHAHA.

D. Libangan

Ang libangan ko po ay pag babasa ng wattpad o pag gawa ng story sa wattpad .
Panunuod ng Anime at kdrama sapagkat ito lamang ang nakapagpapasaya sakin.

E. Pagreretiro

Mag reretiro ako kapag marami na akong pera
Dahil ayokong umasa sa aking pamilya.
Balak kong magretiro kapag nasa maayos na pamumuhay na ang aking mga anak at kapag hindi ko na kaya .

2. Sa gulang na 30 alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na

Sa palagay ko po sa edad na 30 ay isa na ako sa mga magagaling na chef sa ating bansa at may sarili na akong restaurant.

3. Sa gulang na 40 alin sa mga aspekto/ layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na .

Sa palagay ko po ay may dalawa o tatlo na akong lalaking anak .

4. Sa iyong buhay ngayon ano kaya ang maari mong gawin upang makatiyak na ang iyong layunin ay makamit o maisakatuparan?

Mag aaral ng mabuti at pag isipan ng husto ng mga gagawing desisyon sapagkat kapag ikaw ay nagkamali ng desisyon maaring masira ang iyong kinabukasan.

5. Ano kayang pag babago ang maaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ina o ama? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?

Maaring may ma iba sa mga plano ko sa buhay ngunit hindi ito dahilan upang hindi mo tuparin ang iyong pangarap.kung sakaling mabuntis man ako o ano ay tatanggapin ko ito ng buong puso at sya ang gagawin kong insoirasyon sa naudlot na pagtupad ng aking pangarap.

6. Magsulat ng isang maikling essay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa itaas. Iugnay ito sa iyong buhay.

Mag aral ng mabuti upang ang iyong mga mithiin ay makamit at pag isipang mabuti ang iyong mga desisyong ginagawa sapagkat isang pagkakamali mo lamang ay makaaapekto na ito sa iyong mga plano.