My future

Ako si Johaira Abdul fatah ako’y 17 yrs old at nagaaral sa Bagbaguin national high school nais kung maging isng doctor sa hinaharap mahirap ang maging isang doctor ngunit may kasabihan nga na pag may tyaga may nilaga.Magsisikap ako para sa aking pamilya at para saakin upang ang lahat ng aking mithiin ay aking maabot o makamtan.

Ako’y may kapatid na isa sya ay si Norhidaya abdul fatah at ang aking mga magulang

1.

A.Edukasyon

Nais kung makapagtapos ng pagaaral upang matulungan ko ang pamilya ko ata masuklian ko ang paghihirap na ginawa nila saakin at upang maabot ko ang lahat ng aking mga pangarap.

B.Kasal

Nais kung maikasal sa edad na 28 pagkat sa edad na yan tapos na ako sa pagaaral at mayroon na akong permanenteng tarabaho at ang nais kung mapangasawa ay maalaga,mapagmahal,simple at maykaya sa buhay.

C.Anak

Gustong kung magkaanak ng dalawa isang babae at isang lalaki ang gusto ko ay mas matanda ang lalaki para maipagtanggol nya ang kapatid nya at nasi ko din na makapagtapos ng pagaaral ang magiging mga anak ko. Aalgaan,pprotektahan sa lahat at mamahalin.

D.Libangan

Ang libangan ko ay magluto at magbasa. magluto ng ibat ibng putahe para sa pamilya ko at pangarap ko din na magkaroon ng sariling restaurant upang aking magamit ang aking hilig sa pagluluto sa aking kinabukasan at magbasa ng ibat ibang uri ng libro upang malaman ko ang mg bagay bagay dito sa mundo may mga oras na wattpad books ang hawak ko o di kaya naman ay mga libro tungkol sa mga bagay na diko pa alam at higit sa lahat ay ang pagbabasa ng biblya namin (QUR-AN).

E.Pagreretiro

Nais kung sa gulang 60 ay makapagresign na ako sa trabaho upang magpagpahinga sa buhay kagaya ng pamamasyal at makasama ang pamilya ko sa araw at gabi.

F.Iba pang aspekto ng buhay

Mahalin at alagaan ang pamilya at maabot lahat ng pangarap.

2.sa edad na 30 ano sa tingin mo ang nakamit mona?

-sa edad na 30 ako’y may pamilya na at may negosyo at may anak na isang lalaki at maligayang namumuhay kasama ang pamilya ko na binuo ko.

3.sa edad na 40 ano sa tinngin mo ang nakamit mo?

-edad na 40 ako’y may dalawang anak na babae at lalaki at pinagaaral kona sila at ang mga magulng ko ay nasususportahan kona at ang pamilya ko. At masayang nabubuhay sa daigdig.

4.Sa buhay ngayon ,ano ang pwede mong gawin upang makatiyak na ang iyong layunin ay makakamit mo o maiisakatuparan?

-Magaral ng mabuti,magsipag,magtiyaga at magpakabait sa lahat at mahalin ang mga magulang.

5.Ano kaya ang pwedeng mangyari sa mga plano mo sa buhay kung sakaling ikaw at mabuntis?maging batang ina o ama?

-Kung sakaling akoy mabuntis nng maaga ang mangyayari sa mga plano ko ay maaring matupad at hindi maaring di ako makapgtapos ng pagaaral at matupad ang aking mga pangarap.

6. Magsulat ng essay tungkol sa isa sa mga tanong sa taas. Iugnay tungkol sa buhay.

Ang gagawan ko ng essay ay ang number 5

-kung sakaling mabuntis ako ay maaring di ako makapagtapos at lahat lahat ng plano ko sa buhay ay mawala o diko maipagpatuloy at maging pariwara akong ina sa magiging anak ko.

Leave a comment