Ako si Camille Mateo, 15 taong gulang at isang Grade 10 student ng Bagbaguin National High School.
1. Ano ang mga ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?�

Edukasyon:�Pagkatapos kong makapagtapos ng Kolehiyo ay gusto kong maging isang doktor ng mga buntis at gusto ko ring matulungan ang mga magulang ko.�

Kasal:�Gusto kong maikasal kapag ako ay nasa 35 taong gulang na. Nais ko munang tapusin ang pagdodoktor ko, natupad ko na ang mga pangarap ko at gawin lahat ng gusto ko bago ako ikasal.�
Anak:��Kung ako ay magkaka-anak ay gusto ko ng dalawang lalaki at isang bunsong babae, dalawang lalaki upang maipagtatanggol nila ang nakababata nilang kapatid na babae.


Libangan:��Ang libangan ko ay ang pag pagbabasa ng libro tungkol sa siyensya, kasaysayan, mitolohiya, at kwento ng pag-ibig.�

Pagreretiro:�Magreretiro ako kapag ako ay may sarili ng Coffee shop, may naipon na ako at nasa maayos na kalagayan na ang pamumuhay ng aking pamilya.�
2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto / layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?��Sa palagay ko ay sa edad na 30 ay isa na akong doktor at tinutupad ko na ang mga pangarap ko.�

3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto / layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?
Sa tingin ko ay ako ay nakapag-asawa na at may sarili na akong pamilya.�
4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga kayunin ay makamito maisakatuparan?
Mag-aaral ako ng mabuti at tama lamang ang aking gagawin dahil bawat maling magawa ko ay maaaring makaapekto sa kinabukasan ko.�
5.Ano kayang pagbabago ang maaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?
Ang tanging magbabago lamang sa aking plano ay ang oras at panahon, maaaring ako ay mabuntis o maging isang batang ina ngunit matapos nito ay ipagpapatuloy ko padin ang aking pag-aaral upang makamit ko ang aking mga pangarap.�
6.Essay�Sa panahon ngayon ay maraming mga kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis nang dahil sa social media, at upang maiwasab kong mapabilang sa mga iyon ay ang bawat desisyon at hakbang na aking gagawin sa pagkamit ng aking mga pangarap ay pipilitin kong tama lamang dahil sa bawat maling magagawa ko ay maaaring mabago ang panahon at oras bago ko makamit ang aking mga pangarap ngunit maaari ring ang kinabukasan ko na mismo ang magbago.

















